1.4 -M na halaga ng marijuana, nasabat ng PDEA at PNP sa Mountain Province

Nakumpiska ng PDEA at PNP ang P1.4-M na halaga ng marijuana sa Sadanga, Mt. Province matapos maaresto ang tatlong drug personalities.

Nasabat ang mga marijuana bricks sa isang checkpoint sa kahabaan ng Ampawilen, Poblacion.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga arestado na sina Jeffrey Mateo de Guzman, Jerry Salonga at Allandrix Eligio kapwa residente ng Cabanatuan City.


Pumasok ang mga ito sa Mt. Province at nagpanggap na local tourist sa kabila na may pandemic.

Hinikayat ni Villanueva ang publiko at ang Local Government Units (LGUs) na tumulong sa pagsugpo sa kalakaran ng iligal na droga sa Cordillera Region.

Facebook Comments