Target ng Department of Health Region-Center for Health Development Region 1 na mapainom ng gamot kontra bulate ang 1.4 milyong kabataan edad 1-19 sa rehiyon sa obserbasyon ng National Deworming Month.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1 Information Officer, noong buwan ng Enero na pagpurga na ito ng 351, 602 o 86% na kabataan mula sa edad isa hanggang apat at sa edad 5-19 nasa 50% pa lamang ang nabigyan ng gamot para sa bulate.
Aniya, dulot ng mababang turnout sa edad 5-19 ay ang COVID-19 pandemic, kung dati ay school based o ipinapalagay ang gamot sa mga paaralan ngayon ay kailangang lumapit sa health centers upang mabigyan dahil ipinagbabawal pa rin ang face-to-face classes.
Dagdag ni Bobis, huwag matakot o mag-atubili na pumunta sa sa Rural Health Unit sa kada anim na buwan ng taon upang humingi ng pampurga dahil libre itong ibinibigay.
Binigyang diin din ni Bobis na ligtas at epektibo ang ibinibigay na deworming drugs dahil ito ay nabigyan ng sertipikasyon.