4 na munisipalidad at lalawigan sa Region 6, isinailalim na sa state of calamity

Nasa ilalim na ng state of calamity ang 4 na munisipalidad at lalawigan sa Region 6, ito ay bunsod pa rin ng pananalasa ng Bagyong Goring, Hanna at mga pag-ulan at baha na dulot ng habagat.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga lugar na nasa state of calamity ay ang bayan ng Pototan at Leganes sa Iloilo, gayundin ang bayan ng Sibalom sa Antique at San Enrique sa Negros Occidental.

Ang mga nabanggit na lugar ay napuruhan ng bagyo at nakaranas ng matinding pagbaha kung saan maraming indibidwal ang apektado hanggang sa ngayon.


Dahil nasa state of calamity, magagamit na ng mga Local Government Unit (LGU) at Provincial Government ang kanilang calamity funds sa layuning tulungan ang mga apektadong indibidwal.

Sa pinakahuling datos ng NDRRMC, sumampa na sa 140,101 pamilya o katumbas ng mahigit 515,000 indibidwal ang naaapektuhan ng bagyo mula sa Regions 1, 2, 3, 6, CALABARZON, MIMAROPA, CAR at NCR.

Facebook Comments