Maglalaan ng 1.5 bilyong piso benefits ang Philam Foundation at Philippine Coalition on volunteerism para sa mga fronliners lalo na ang mga medical workers sa bansa.
Ayon kay Philam Foundation President at Philippine Coalition on Volunteerism Chairperson Max Ventura, sa ilalim ng Philam Foundation frontliners inclusive risk safety net (first initiative), magbibigay ang a.i.a Philam life sa pamamagitan ng Philam Foundation ng group coverage para sa tatlumpung-libong frontliners sa bansa.
Naglalaman ito ng tulong pinansiyal na 50,000 pesos para sa kanilang mahal sa buhay sakaling sila ay pumanaw dahil sa COVID-19.
Ang Philam foundation at philippine coalition on volunteerism ay unang tumulong sa mga empleyadong naapektuhan ng ecq maging sa pag-procure ng Personal Protective Equipment (PPEs) para sa mga health workers.
Para malaman kung qualified ang isang hospital sa ganitong programa, kailangan lang na mayroon itong mga COVID-19 patients.