Malaking hamon ang target na 1.5 million daily COVID-19 jabs.
Ito ang sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David kasunod ng pahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na positibo silang maabot na ng target na bilang ng nababakunahan matapos sumang-ayon ang ilang LGU na taasan pa ang kanilang vaccination rate.
Ayon kay David, posible itong maisagawa sa Metro Manila pero mukhang alanganin ito sa ilang probinsya dahil ngayon pa lang itinataas ng pamahalaan ang jabbing rate sa mga probinsya.
Paliwanag nito, mahalagaang pataasin muna ang bilang ng mga nababakunahan sa mga lalawigan bago maabot ang higit isang milyon daily COVID-19 jabs.
Facebook Comments