1.5 million doses ng Moderna COVID-19 vaccines, dumating sa bansa kagabi

Natanggap na ng Pilipinas ang 1,531,000 Moderna COVID-19 vaccines na donasyon ng bansang Germany.

Sa pamamagitan ng COVAX Facility, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang Moderna vaccine bandang alas-4:00 ng hapon.

Sa ngayong, umabot na sa kabuuang 192,344,945 na iba’t ibang COVID-19 vaccines ang natanggap ng Pilipinas.


Sa bilang na ito, 104 milyon ang naiturok na sa buong bansa kung saan 46.3 milyong indibidwal ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Facebook Comments