1.5 milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines, ma-e-expire sa November 30

Aabot sa 1.5 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang nakatakdang ma-expire sa katapusan ng Nobyembre.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa, kinabibilangan ito ng bakuna ng AstraZeneca na donasyon ng COVAX facility nitong Oktubre.

Kinalma naman ni Herbosa ang publiko at sinabing nangyari na ito noong Abril na agad nagawan ng paraan ng gobyerno.


Batay sa huling tala ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, pumalo na sa 63,733,776 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa buong bansa.

Facebook Comments