1.5 milyong mga magsasaka, makakatanggap ng tulong pinansiyal ngayong Oktubre

Aabot sa 1.5 milyong mga magsasaka ang makakatanggap ng tulong pinansiyal ngayong Oktubre.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, magmumula ang pondo sa sobrang koleksiyon ng Bureau of Customs (BOC) nitong nakalipas na mga taon.

Nagkakahalaga ito ng P7.6 billion na sobrang taripa noong 2019 at 2020 na ibibigay sa mga magsasaka ng palay na may sinasakang dalawang hektarya at pababa.


Sa ngayon, pagtitiyak ni Dar ay nananatiling sapat ang suplay ng pagkain sa bansa partikular na ang bigas.

Facebook Comments