1, 500 na Mga estudyante, Nakatanggap ng Suporta

Tuguegarao City, Cagayan – Humigit kumulang 1500 na mga estudyante ang dumalo sa isang pagtitipon sa Cagayan State University (CSU) Andrews Gymnasium noong araw ng Sabado, Nobyembre 25, 2017.

Ito ay sa okasyon ng pagpapasakamay ng financial assistance para sa mga binansagang RST scholars sa ilalim ng programa ni Cagayan 3rd District Representative Randolph Ting mula sa CSU at mga ibang private system.

Sa ulat ng RMN Cauayan News Team volunteer reporter Geralyn Jaucian, ang 1, 500 na dumalo sa CSU Caritan Campus ay kabilang sa 2,600 na kabuuang mga scholars ng naturang kongresman sa lalawigan. Mahigit kalahati o 1, 320 ang mga nag aaral sa Cagayan State University.


Mga Cumlaude at Deans’ Listers sa mga scholars ay tumanggap ng insentibo mula sa naturang kongresman at ng kanyang maybahay na si Mrs Nancy Ting kung saan ay P 5, 000.00 ang tinanggap ng mga Cumlaude at P 1, 500.00 para sa mga Dean’s Lister. Siyam ang nakatanggap ng naturang insentibo sa mga dumalong mga estudyante.

Sa talumpati ng kongresman ay kanyang sinabi na mas maganda kung may dagdag motibasyon ang mga mag-aaral upang iangat pa ang kanilang pag-aaral.

Sa naturan ding okasyon ay tinanggap ng CSU at iba pang pribadong eskuwelahan ang tsekeng nakalaan para sa kani-kanilang unibersidad kaugnay sa programang pang edukasyon ng naturang congressman.

Samantala, sa isang kumento ng isang estudyante na kabilang ilalim sa scholarship program ay kanyang sinabi na ang kanyang pagiging iskolar ay isa sa mga pinakamagandang regalo at kayang pinasasalamatan ang kayang pagiging grantee sa scholarship program ni Representative Ting.


Facebook Comments