Kaugnay nito, ieendorso sa RDC at Department of Public Works and Highways o DPWH ang paglalaan ng pondo sa naturang proyekto.
Tinatayang aabot sa P1.6-B ang halaga ng road project na magbubukas ng alternatibong ruta patungo sa Alfonso Castañeda nang hindi dadaan sa karaniwang ruta na lalawigan ng Nueva Ecija o Aurora.
Sa halip na umikot sa Aurora o dumaan sa Nueva Ecija para makarating sa Alfonso Castañeda, magsisimula ang proposed alternate road sa Barangay Oyao, Dupax Del Norte hanggang Marikit, Pantabangan na tiyak na makakabawas sa oras ng biyahe at makakabuti sa access ng mga residente ng nasabing bayan hanggang sa kabisera ng lalawigan.
Suportado naman ng DPWH Region 2 ang panukalang proyekto na hindi lamang makikinabang ang Lalawigan ng Nueva Vizcaya kundi maging sa mga lalawigan ng Aurora at Nueva Ecija.
Sakaling maaprubahan ng RDC,sasailalim ito at kapag natapos ang ginawang pag-aaral ay iminungkahi sa kinauukulang ahensya ng gobyerno na paglalaan ng pondo sa ilalim ng General Appropriations Act.