1.6-M drug users, gumagastos ng bilyun-bilyung piso para lamang sa shabu – PRRD

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na aabot na sa halos 1.6 million na Pilipinong gumagamit ng ilegal na droga ang gumastos ng bilyu-bilyong piso sa shabu kada taon.

Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cagayan de Oro kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte – aabot sa ₱200 hanggang ₱6,000 sa loob ng isang buwan ang ginagastos ng isang drug user at addict para sa shabu.

Nanghihinayang din ang Pangulo na imbes na nagagamit sa pagkain at edukasyon ng bawat pamilyang Pilipino, napupunta ang pera sa droga.


Ang datos na ito ay sakop lamang sa ilalim ni dating PNP chief, senatorial candidate Ronald Dela Rosa at limitado lamang sa Metro Manila.

Facebook Comments