1.6 milyong halaga ng facemask, nakumpiska sa isang online seller sa Tondo, Manila

Arestado ang isang online seller matapos na entrapment operation na ginawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Transnational Crime Unit (ATCU) kahapon sa Abad Santos, Tondo, Manila.

Kinilala itong si Willy Sy na inireklamo sa CIDG dahil ginawang hoarding at pagbebenta ng overpriced facemask online.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang CIDG at nakumpirma sa pamamagitan ng Facebook na ibinibenta ng suspek ang facemasks sa halagang 1,600 pesos isang box o 50 piraso ng facemask.


Kaya agad na ikinasa ang operasyon alas 3:00 ng hapon kahapon sa Abad Santos, Tondo.

Nakuha sa kanya ang 30 malalaking kahon na may mga boxes ng facemasks na nagkakahalaga ng PHP1,680,000.00.

Sa ngayon nahaharap na si Sy sa paglabag sa kasong RA 10623 (Price Act) at RA 7394 (Consumer Act of the Philippines).

Facebook Comments