Bumagal ang inflation rate nitong buwan ng Agosto
Bunsod ito ng pagbaba ng presyo ng pagkain, non-alcoholic beverages at transport.
Sa datos ng Philippine Statistic Authority (PSA) bumaba sa 1.7% ang inflation rate na mas mababa kumpara sa 2.4% na naitala noong Hulyo.
Higit din itong mas mababa kumpara sa 6.4% inflation rate na naitala noong August 2018.
Ito na rin ang pinakamababang inflation sa nakalipas na tatlong taon.
Ayon kay National Statistician Claire Mapa – bumaba rin ang inflation rate sa National Capital Region (NCR), 1.4% habang ang Mimaropa ang nakapagtala ng highest annual rate na 4.6%.
Facebook Comments