1.7 M na botante inaasahan sa ARMM at Cotabato City sa Baranggay at SK Elections

Handa na ang Comelec ARMM kasabay ng papalapit na May 14, 2018 Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections.
Inaasahang nasa 1.7 Million na mga botante mula sa ibat ibang baranggay ng rehiyon at Cotabato City ang makikilahok sa election sa naging panayam ng DXMY RMN Cotabato kay COMELEC ARMM Regional Director Ray Sumalipao.
Kaugnay nito inilatag na rin ng Comelec ang mga schedule ng mga aktibidad. Sa April 14- 20 ang filing ng Certificate of Candidacy, May 4-12 ang Campaign Period habang sa May 14 ang Election.
Mariing namang ipinagbabawal para sa mga kakandidato ang pagdadala ng armas at pagsasama ng body guards.
Kaugnay nito patuloy ang panawagan ng Comelec na makiisa sa isang malinis at mapayapang eleksyon

Facebook Comments