1.7 milyong healthcare workers, target mabakunahan sa lalong madaling panahon – DOH

Sisikapin ng gobyerno na mabakunahan ng third shot o COVID-19 vaccine booster shot ang mga healthcare workers sa lalong madaling panahon.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Secretary Carlito Galvez Jr., mayroong 128.4 milyong bakuna ang bansa at sasapat ito para sa booster shot ng mga healthcare worker.

Sa isinagawang ceremonial booster vaccination sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City, sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na sa loob ng 2 linggo ay sisikapin nilang mabakunahan ang 1.7 milyong healthcare workers.


Base aniya sa pag-aaral makalipas ang 6 na buwan humihina ang epekto ng bakuna kaya’t dapat itong dagdagan pero kung ang tatanungin kung kailan tatagal ang epekto ng booster shot ito ay hindi pa napag-aaralan.

Samantala, sinabi ni Duque na posibleng maging normal na sakit nalang ang COVID-19 kapag nabakunahan na lahat.

Facebook Comments