1-79 years old, edad ng mga tinamaan ng Delta variant sa bansa kung saan karamihan ay pawang mga lalake

Lumalabas sa datos ng Department of Health (DOH) na sa 119 na tinamaan ng Delta variant ng COVID sa bansa ay may age range na nasa 1 – 79 years old.

Sa presscon sa Malakanyang, sinabi ni Dr. Alethea de Guzman ng DOH Epidemiology Bureau na karamihan din o 55% sa mga ito ay lalake.

42 ay mula sa mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) habang nakapagtala ang kagawaran ng 77 local transmission.


Isa rito ay mula sa Region1, 14 sa Region 3, 22 sa Region 4A, 2 sa Region 6, 14 mula sa Region 10, 2 sa Region 11 at 22 sa National Capital Region (NCR).

Sa nabanggit na 119 Delta variant cases, 98 ang fully recovered, 5 ang nasawi at 16 ang active cases.

Samantala, sinabi pa ni Dr. De Guzman na 6 sa mga ito ay fully vaccinated na, 7 ang nakatanggap na ng 1st dose habang 29 sa mga ito ang hindi pa nababakunahan at 77 ang for verification.

Facebook Comments