1.8-M halaga ng cocaine, nakumpiska ng PNP sa pantalan ng General Santos City

Narekober ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa pantalan ng General Santos City ang 1.8 milyong halaga ng cocaine nitong Martes.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief General Debold Sinas batay na rin sa report ni Police Brigadier General John Michael Dubria, Regional Director ng Police Regional Office-12.

Ang cocaine ay nakalagay sa isang container van nang marekober ng mga pulis.


May bigat ito na 356.4811 grams at nakabalot sa packaging tape at green rubber band.

Nakita ito ng maintenance technicians ng International Repair System (IRS) – Eastern Inc.

Sa kanilang pag-iimbestiga, natukoy na nagmula ang cocaine sa isang Singaporean registered container ship nang nakalipas pang buwan.

Ayon kay Dubria, posibleng naiwan lang sa loob ng container van ang cocaine na ang iba ay ipinadala sa ibang bansa.

Sa ngayon, hinahanap na ng PNP at PDEA ang 84 reefer container vans na nag-unload sa pantalan sa General Santos City noong November 26.

Facebook Comments