1.8 million, target maturukan ng COVID-19 vaccine sa ika-apat na Bayanihan, Bakunahan

Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 1.8 million COVID vaccine doses sa ikaapat na yugto ng Bayanihan, Bakunahan sa Marso 10 hanggang 12.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 medical consultant Dr. Paz Corrales, layon nitong mas ilapit ang bakunahan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagdaraos sa mga lugar ng pinagta-trabahuhan at pagbabahay-bahay.

Aniya, patuloy ang koordinasyon ng Department of Health (DOH) regional offices sa mga opisina ng gobyerno, eco-zones, at pribadong kompanya kaugnay ng gagawing pagbabakuna kontra COVID.


Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang NTF sa Philippine Medical Association (PMA) para muling tumulong sa pagbabakuna.

Nais ng gobyerno na itaas sa 70 milyong Pilipino ang bakunado kontra COVID sa katapusan ng Marso.

Base sa huling datos, higit 63.6 million na ang fully vaccinated sa bansa habang nasa 10.5 million naman ang may booster dose na.

Facebook Comments