1 arestado, 1- nakatakas sa buy-bust

145

General Santos City—isa ang arestado habang isa naman ang nakatakas sa ginawang buy-bust operation na inilusad ng City Drug enforcement Unit (CDEU) sa Prk. Ondoc Gawan, Barangay San Jose, Gensan.

Naaresto si Armando Gawan Jr., legal age, residenti ng nasabing Barangay Matapos itong nabilhan ng (1) sachet ng pinaniniwalaang shabu gamit ang P500.00 na marked money. Nakunan din ito ng (6) pa na sachet sa pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P4,500.00.


Habang nakatakas naman ang kasamahan nito na si Moven Salim, matapos nakatonog na pulis ang nakipagtransaksyon kay Gawan.

Sinabi ni Police Sr. Inspector Fernando Manuel, Hepe ng CDEU na Notadong nagbibinta ng druga ang dalawang suspek. Matagal narin nila itong minamanmanan dahil sa kanilang involvement sa illegal drugs.

Facebook Comments