1 babae at 1 lalaki sa Tondo, areatado sa Php 340K halaga ng shabu

Kalaboso sa Manila Police District (MPD) Raxabago Police Station ang isang lalaki at isang babae na residente ng Tondo Maynila dahil sa bit-bit na 50-gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 340,000.00.

Nakilala ang babae na si Lorela Azaga, 50-anyos, residente ng balut, Tondo at Rickey Mendoza, 45-anyos na residente naman ng radial road 10, brgy 124, Tondo.

Natiklo ang dalawa sa pamamagitan ng Anti- Illegal Drug Buy-Bust Operation na isinagawa ng mga otoridad sa Nava St. Barangay 132 Tondo Manila.


Facebook Comments