1 babae, inoobserbahan sa ospital makaraang mahulog sa riles ng LRT-1 sa Maynila

121

Patuloy na inoobserbahan sa ospital ang isang babae na nahulog sa riles ng tren sa LRT-1 sa Doroteo Jose Ststion.


Ayon kay Jacqueline Gorospe ang Corporate Communications Head ng Light Rail Manila Corporstion (LRMC), nangyari ang insidente kaninang alas- 6:45 ng umaga.

Sinasabing nahilo ang hindi pa nakikilalang babae kaya nahulog sa train track kung saan  ipinahinto muna ng ilang minuto ang biyahe ng mga tren para mailigtas ito.

Pansamantala din kinordona ang area kung saan nahulog ang babae para sa kapakanan nito at kaligtasan ng iba pang pasahero.

Makalipas ang halos kalahating oras ay balik na sa normal ang operasyon ng LRT-1 habang agad na isinugod sa malapit na ospital ang babae.

Facebook Comments