Tanging 1 bilyong piso mula sa ₱5.5 billion budget para sa public utility drivers at operators na na-displaced ng COVID-19 pandemic ang naipamahagi.
Ang pondo ay mula sa 165 billion pesos Bayanihan 2 Law, na nakatakdang mapaso sa June 30.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Martin Delgra III, pinopondohan ng Bayanihan 2 ang ayuda para sa displaced drivers pero maging service ang contracting program ng pamahalaan.
Aniya, nakikinabang ang mga pasahero dito dahil sa libreng sakay.
Ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel ay magpapatuloy kahit tumaas ang ridership.
Mula sa 41,000 passengers per day noong Marso, sumipa ito sa 182,000 per day nitong nakaraang linggo.
Kailangang mag-deploy ng karagdagang bus para maiwasan ang pagsisikip ng mga tao sa mga istasyon.