1 binata inaresto dahil sa hindi pagsuot ng face mask, nahulihan pa ng ilegal na droga sa Mandaluyong City

Handcuffs

Kalaboso ang sinapit ng isang binata matapos na masita ng mga tauhan ng Mandaluyong Police dahil sa hindi pagsusuot ng facemask sa P. Gomez St., Brgy. Poblacion, Mandaluyong City.

Kinilala ang suspek na si Jamel Cristobal, 20 anyos, na nahulihan pa ng ilegal na droga.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagsasagawa ng Oplan Bawas Tao kaugnay sa mahigpit na ipinatutupad nilang Enhanced Community Quarantine ang mga tauhan ng Mandaluyong City Police Station PCP 1 and 2 at members ng Bantay Bayan ng Brgy. Addition Hills nang maispatan ang suspek na naglalakad na walang suot na face mask na paglabag sa City Ordinance.


Nang kapkapan ng mga pulis, nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang maliit na plastic na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana.

Dinala sa himpilan ng Pulisya ang suspek para sampahan ng kaukulang kaso.

Facebook Comments