1 binata na tumakbo sa isinagawang check point, nahulihan ng iligal na droga sa Mandaluyong City

Kalaboso ang isang binata matapos na mahulihan ng iligal na droga ng magsagawa ng check point ang mga Barangay Tanod at mga Pulis sa Thursday St., Barangay Poblacion, Mandaluyong City.

Kinilala ang suspek na si Rafael Villanueva, 31 anyos.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya nagsagawa ng Oplan Bawas Tao alinsunod sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine ang mga operatiba ng Mandaluyong PNP at Barangay Tanod sa halip na huminto tumakbo ang suspek, kaya hinabol ito hangga g sa maabutan at nakuha sa kanyang pag-iingat ang plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang  shabu na tumitimbang ng humigit kumulang  5 grams na may street value na  Php 3,400.00.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Disobedience upon an Agent of Person in Authority ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments