1 buwang moratorium sa pagbabayad ng amortization, ipatutupad ng NHA upang makatulong sa mga benepisaryong apektado ng Bagyong Kristine

Magpapatupad ang National Housing Authority (NHA) ng isang buwang moratorium sa pagbabayad ng amortization at lease upang magbigay ng ginhawa sa lahat ng mga benepisyaryo ng pabahay nito na apektado ng Bagyong Kristine.

Ang moratorium ay awtomatikong ipatutupad para sa mga benepisyaryo sa buong bansa mula Nobyembre 1-30, 2024.

Magsisimula muli ang pagbabayad ng amortization at lease sa Disyembre 1, 2024.


Dagdag pa rito, walang ipapataw na delinquency o karagdagang interes sa panahon ng moratorium hanggang Nobyembre 30, 2024.

Anumang penalties at interes na naipon bago ang Nobyembre 1, 2024, ay muling magsisimula sa Disyembre 1, 2024.

Noong July 2024, nagpatupad din ang NHA ng moratorium policy para sa mga benepisyaryong naapektuhan ng Bagyong Carina sa National Capital Region (NCR), Region 3 at 4.

Facebook Comments