1 cargo vessel, ligtas na nahatak matapos masiraan sa Occidental Mindoro

Agad na nahatak ng BRP Cabra ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang cargo vessel na nasiraan ng makina malapit sa mga corals ng Apo Reef sa Sablayan Occidental Mindoro.

Ito’y matapos makatanggap ng tawag ang PCG mula sa kapitan ng M/V Meridian Queen na nakaranas ng mechanical trouble habang nasa karagatan ng Sablayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing ng North Harbor Maynila ang nasabing barko na patungo sana ng Puerto Princesa City, Palawan.


Pero habang nasa gitna ng laot ay hindi na gumana ang controllable pitch propeller kaya’t nawalan na ng control sa barko kaya’t inanod na ito sa bahagi ng Apo Reef.

Sa ngayon, nasa ligtas ng lugar ang nasabing barko maging ang 23 tripulante nito.

Facebook Comments