1 Estudyante Patay Matapos Bumangga sa Paparating na SUV sa Burgos, Isabela

4972

*Cauayan City, Isabela*- Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang estudyante matapos aksidenteng mabangga ng isang SUV kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy. San Antonio, Burgos, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Owen Caranzo, 21 anyos, binata habang sugatan ang angkas nito na kinilalang si Lester Supena, 20 anyos at si Divino Romero na kapwa mga residente ng Brgy. Malasin, Burgos, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Burgos, nakilala ang tsuper ng SUV na may plakang ZGR 842 at suspek na si David Soriano, 55 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Calamagui 1st, Ilagan City.

Lumabas sa imbestigasyon ng kapulisan na binabagtas ng driver ng SUV ang lansnagan patungo sa silangang bahagi ng daan habang ang mga sakay ng motorsiklo ay tumawid sa nasabing lugar.

Sinubukan pa umanong umiwas ni Soriano 15 metro ang bago sa pinangyarihan ng insidente pero hindi na nakapreno at aksidenteng bumangga sa motorsiklo.

Hindi pa matukoy ang kabuuang pinsala sa aksidente habang ikinustodiya na ang suspek sa tanggapan ng pulisya.

(Courtesy to the Owner)




Facebook Comments