1 high-ranking NPA leader, Asawa at Pamangkin, Sumuko sa Tropa ng Kasundaluhan sa Isabela

Cauayan City, Isabela-Boluntaryong sumuko sa kasundaluhan ang mataas na lider ng komunistang grupo na Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV) kasama ang asawa at kanyang pamangkin sa Palanan, Isabela noong July 12, 2021.

Nakilala ang mga sumuko na sina alyas Badi, 49-anyos, residente ng Barangay Puro, Legazpi City, Albay, Commanding Officer ng Regional Ordnance Group of the Regional Operations Command (ROC), at ang dalawang iba pa ay miyembro umano ng squad tres ng Regional Sentro De Gravidad na sina alyas Rowena, 36-anyos, residente naman ng Barangay Alomanay, Palanan, Isabela, logistics officer at alyas Erick, pamangkin ni alyas Badi na pawang residente rin ng Barangay Puro, Legazpi, Albay.

Batay sa salaysay ni alyas Badi, taong 1998 ng pilitin umano siyang sumama sa teroristang grupo dahil sa pananakot ng isang kadre sa Kastila, Sorsogon.


Taong 2002 nang ipag-utos ang pagpunta nito sa Camalig, Albay para mag-report kay alyas Yulo, ang Secretary/Political Officer ng Larangan ng Albay bago pa man siya i-deploy sa probinsya ng Isabela kasama ang sina alyas Diobe at Jake.

Naging bahagi rin siya ng 1st Platoon na kamakailan ang nawasak ay nawasak na Central Front Committee sa Central Isabela.

Noong 2015, nagtungo rin siya Sagada, Mt. Province kasama ang iba pang miyembro upang magsanay sa paggawa ng pampasabog.

Pagkatapos nito, bumalik si alyas Badi sa Digusi Complex, San Mariano, Isabela upang magturo ng isang platoon sa paggawa ng Anti-Personnel Mines (APMs) at taong 2017 naman ng magpunta siya sa paligid ng Nagsabaran, Divisoria ng San Mariano sa bahagi ng Kabuluan River kasama si alyas Papi nauna nang sumuko sa kasundaluhan upang sanayin ang kanilang mga kasapi sa paggawa ng mga pampasabog hanggang noong 2018, nagpunta rin siya sa Baggao, Cagayan upang turuan sa pagtatrabaho ng mga APM laban sa mga puwersa ng gobyerno.

Bukod pa sa kanya, si alyas Rowena ay nahikayat umano ng mga kasamahan ng kanyang asawa na si ‘Badi’ sa San Mariano, Isabela noong 2018 at pagtungtong ng taong 2019 ay tinuruan umano siya sa Individual Combat Training (ICT) sa Barangay Dimasalansan, Divilacan, Isabela at noong 2020 ay tinuruan umano rin siya sa Batayang Kursong Politiko-Militar sa Barangay Dibulos hanggang sa tuluyan na itong maging ganap na kasapi noong June 2021.

Samantala, taong 2002 naman ng lokohin umano si alyas ‘Erick’ upang maging kasapi ng rebeldeng grupo sa Barangay Mariawa, Legazpi, Albay noong nasa edad 14 pa lang ito.

Isa siya sa napakaraming kaso ng Child Warrior sa teroristang CPP-NPA. Noong 2006, siya ay naging isang regular na armadong miyembro ng teroristang grupo na Teritorio Legazpi.

Nagtungo rin siya sa lalawigan ng Cagayan upang dumalo sa kasal nina alyas Badi at Rowena noong 2019 at kalaunan ay naging miyembro ng RSDG, KR-CV.

Sa kanilang pagsuko, isinuko nila ang tatlong (3) M16 rifle, dalawang (2) bandolier, tatlong (3) cellphone, medical paraphernalia, at mga subersibong dokumento na may mataas na intelligence value.

Inihayag nila ang mahalagang impormasyon sa magkasanib na tropa ng 95th, 98th Infantry Battalions, at lokal na PNP na nagresulta sa pagtuklas ng arm cache na naglalaman ng 68 na piraso ng APMs, apat na detonating cord na may 600 metro bawat isa, pitong blasting machine, siyam na remote control, dalawa (2) mga remote control ng kotse, mga gamit na improvise Explosive Device, isang portable power generator, isang (1) rifle scope, isang (1) hard drive, isang (1) printer at mga personal na gamit sa Sitio Dadugen, Barangay Dibuluan, San Mariano noong Hulyo 13 , 2021.

Nagpasyang sumuko sa tropa ng gobyerno dahil sa lumala na sitwasyon sa loob ng Communist Terrorist Group dahil ayon kay alyas Badi, mula nang mamatay ang kanilang Kumander na si alyas Yuni, ang grupo ay nasa hindi na maayos na sitwasyon at nanganganib na bumagsak ang kanilang grupo.

Ang pagkamatay ng kanilang pinuno ay malaking kawalan para sa kanilang armadong pakikibaka laban sa gobyerno at isa sa mga dahilan ng kahirapan dahil kilala nila na ang teroristang CPP-NPA ay pumipigil sa pag-unlad sa mga pamayanan lalo na sa malalayong lugar.

Binigyang diin naman ni LtC. Carlos Sangdaan Jr., Battalion Commander ng 95IB ang patuloy na mga paglabag sa karapatang-tao na ginawa ng teroristang CPP-NPA.

Pinuri naman ni BGen. Danilo D Benavides PA, Commander ng 502nd Infantry Brigade ang pagsisikap ng 95IB, 98IB, at ng Isabela Police Provincial Office para sa kanilang matagumpay na hakbang na maitaguyod ang kapayapaan sa lalawigan ng Isabela.

Pinasalamatan din niya ang mga sumuko sa kanilang panibagong pagtitiwala sa gobyerno, habang tiniyak sa kanila na sila ay mapoprotektahan at mabibigyan ng mga programang benepisyo at pangkabuhayan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E- CLIP) upang maayos nilang masimulan ang kanilang buhay.

Dagdag pa dito, inihayag naman ni MGen. Laurence E Mina PA, Commander of 5th Infantry Division, Philippine Army ang kanyang pagpapahalaga sa tatlong (3) sumukong miyembro ng rebeldeng grupo.

Malapit na aniya sa katotohanan na gawin ang Cagayan Valley at Cordillera bilang isang insurgency-free na rehiyon.

Muli naman itong umaapela sa iba pang natitirang miyembro ng teroristang grupo na magbalik-loob na sa pamahalaan at yakapin ang mga programa ng gobyerno para sa kanilang pagbabagong buhay.

Facebook Comments