1 istasyon ng MPD, gumawa ng hakbang para maging COVID-free ang kanilang himpilan

Bilang pag-iingat sa peligrong dala ng COVID-19, Kinabitan ng plastik ang harapan ng Sta. Ana Police Station 6, sa lungsod ng Maynila.

Ito ay upang mapangalagaan ang kalinisan at seguridad ng mga pumapasok maging ang lumalabas sa nasabing police station.

Bukod sa plastik, may iba pang precautionary measure ang Sta. Ana Police Station tulad ng regular na disinfection at paglilinis.


Ipinapatioad din dito ang “No face mask, No entry” habang Nagbigay naman ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng face shield sa mga pulis, na kanilang magagamit lalo sa mga checkpoint.

Matatandaan na kinumpirma ng Manila Police District (MPD) na mayroong isang pulis-Maynila na nagpositibo sa COVID-19 base sa isinagawang laboratory test sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ayon kay MPD PIO Chief Lieutenant Colonel Carlo Manuel, nagsasagawa na sila ng contact tracing sa mga taong nagkaroon ng close contact sa nasabing pulis.

Sa ngayon, todo higpit pa din sa seguridad ang mpd para masigurong payapa at nasa maayos ang lahat lalo na ang pamamahagi ng food packs ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments