Posibleng umabot na lamang sa 1,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa sa pagsapit ng Pasko.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang mga bagong COVID-19 infection ay hindi na aabot pa 10,000 hanggang 20,000 tulad noong mga nakararaang buwan.
Gayunman, kailangan pa rin aniya nating mag-ingat dahil maaari pa rin magkaroon ng spikes ng mga kaso.
Kasabay nito, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na plano nilang tanggalin o paikliin ang curfew hours sa National Capital Region.
Pero tatanungin pa aniya nila ang Metro Manila mayor hinggil dito.
Maaalalang ang curfew sa Metro Manila ay pinaikli mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
Facebook Comments