Nagbalik loob sa pamahalaan, ang kasapi ng Daulah Islamiyah-Maute Group sa Lanao del Sur nito lamang nakalipas na araw.
Si Alias Mickey ay sinamahan ng tatlong tagasuporta ng nasabing teroristang grupo kung saan kanilang isinuko ang kani-kanilang mga armas.
Ayon kay Western Mindanao Command Chief, Maj. Gen. Steve Crespillo, magtutuloy-tuloy ang kanilang military operations nang sa ganoon ay mas marami pang rebelde ang magbalik-loob sa pamahalaan at upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.
Samantala, sa bahagi naman ng Barangay San Mateo, Borongan City, Eastern Samar, dalawang miyembro ng Communist New People’s Army (NPA) Terrorists ang sumuko sa 78th Infantry (Warrior) Battalion, 8th Infantry (Stormtroopers) Division ng Philippine Army.
Sinabi ni Lieutenant Colonel Allan Tria, Commanding Officer ng 78th Infantry Battalion na tama ang desisyon ng mga dating rebelde lalo na’t magpa-Pasko at bagong taon kung saan malaya na nilang makakapiling ang kani-kanilang mga pamilya.
Ang mga dating rebelde ay dumadaan sa proseso upang sila ay mapabilang sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program at Local Social Integration Program ng pamahalaan.