Muling naglabas ng usok na may kasamang abo ang Bulkang Taal.
Ayon kay PHIVOLCS Supervising Research Specialist Winchelle Sevilla, umabot ng 500 metro hanggang isang kilometro ang taas ng abo na ibinuga ng bulkan.
Patuloy ring nakakapagtala ang ahensya ng volcanic earthquakes at mas mataas na sulfur dioxide. Senyales ito ng patuloy na pagtaas ng magma.
Dahil dito, nananatili sa alert level 4 ang Bulkang Taal, ibig sabihin, posible pa ring magkaroon ng hazardous eruption anumang oras o anumang araw.
Facebook Comments