1 lalaki, arestado dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa lungsod ng Maynila

39

Kalaboso ang isang lalaki matapos masakote sa drug buy bust operation sa Barangay 312, Sta. Cruz, Manila.

Nakilala ang nadakip na si Emman Abdullah, 38-anyos, isang helper at residente ng Oroquieta Street, Barangay 310.


Ikinasa ng Sta. Cruz Police Station ang operasyon matapos makatanggap ng tip na pasimpleng nagbebenta ng droga ang suspek kahit pa may ipinapatupad na curfew sa lungsod.

Nasakote ang suspek sa may bahagi ng Lope De Vega Street kung saan dinampot ito makaraang pagbentahan ng shabu ang isang poseur buyer.

Nakuha sa suspek ang tatlong sachet ng shabu na may bigat na isang gramo at nasa P6, 800.00 ang halaga.

Aminado si abdullah na nagbebenta ng droga para kumita ng pera lalo na at walang pasok sa trabaho bunsod na din ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa banta ng Covid-19.

Facebook Comments