1 lalaki, arestado matapos magpumilit pumasok sa isang supermarket sa Lungsod ng Maynila

Handcuffs

Kalaboso ang isang lalaki matapos makipagtalo at magpumilit na pumasok sa Robinsons Otis Supermarket sa may bahagi ng Paz Guanzon Street, Paco, Maynila.

Nakilala ang nadakip na si Noelan Pineda, 43-anyos, isang hotel maintenance staff at resident ng Zafiro St., San Andres Bukid.

Nabatid na nagpupumilit pumasok si Pineda sa nasabing supermarket kahit na wala itong maipakitang quarantine pass kaya hindi ito pinayagang pumasok ng mga guwardiya.


Dito na nakipagtalo si Pineda sa mga guwardiya hanggang sa umawat na din ang naka-assign na pulis na si Corporal Angelito Rotor.

Sa halip na manahimik, pinagmumura ni Pineda ang mga guwardiya at ang pulis kaya dito na siya inaresto pero pumalag pa din ito kaya siya pinagtulungan dakpin ng mga otoridad.

Pagsapit sa Pandacan Police Station, patuloy na nakikipagtalo si Pineda sa mga pulis kaya’t nakatakda siyang sampahan ng patong-patong na kaso partikular ang paglabag sa RA 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act.

Facebook Comments