1 lalaki, arestado sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City

Kalaboso ang isang lalaki sa ikinasang drug buy bust operation ng Pasay City Police.

Nakilala ang nadakip na si Michael dela Cruz alyas May-may, 34-anyos at residente ng M. Reyes St., Brgy. Bangkal, Makati City.

Nasakote si dela Cruz sa may bahagi ng Roxas Boulevard service road kanto ng Cuneta Avenue, Brgy. 76, Pasay City.


Nakuha sa suspek ang pitong sachet ng shabu na may timbang na 48.9 na gramo at nagkakahalaga ng mahigt P300,000.00.

Napag-alaman na si dela Cruz ay nasa drug watchlist ng Southern Police District kung saan marami itong kontak o buyer ng shabu at kadalasan ay one-time, big-time ang diskarte nito sa bentahan.

Aminado naman ang suspek na nagbebenta ng ilegal na droga para may panggastos sa sarili lalo na’t wala itong trabaho.

Facebook Comments