1 lalaki, huli sa iligal na droga Sampaloc, Maynila

Kalaboso ang isang lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga sa Barangay 421 Zone 43 Sampaloc Manila.

Nakilala ang nadakip na si Ronald Lalic, isang tambay at walang permanenteng tirahan.

Nasakote ang suspek sa ikinasang Anti-Illegal Drug Operation ng Sampaloc Police Station-4 sa may bahagi ng Paltoc Street malapit sa riles ng PNR.


Nakuha kay lalic ang anim na sachet ng shabu na may bigat ng halos limang gramo at nagkakahalaga naman ng P34,000.00.

Todo tanggi ang suspek na sa kaniya ang iligal na droga saka iginigiit na ipinadala lang ito sa kaniya para ideliver sa mga nagtatrabaho sa palengke, mga pedicab at tricycle driver kung saan hinsi niya kilala ang source nito.

Facebook Comments