1 lalaki, kalaboso matapos mahuling nag-iinuman sa pampublikong lugar sa Las Pinas City

133

Hindi na nakapalag pa ang isang lalaki matapos masakote dahil sa pag-iinom ng alak sa pampulikong lugar sa Barangay Manuyo 2, Las Pinas City.

Nakilala ang nadakip na si John Paul Niepes, 27-anyos at residente ng Barangay Caa.


Nabatid na nagsasagawa ng oplan galugad ang las pinas city police nang maispatan ang grupo ng mga kalalakihan sa may gilid ng kalsada sa St. Vincent St., Manukan, BF Martinville.

Agad na nakatakbo ang ilan sa mga ito at tanging si Niepes lamang ang naaresto dahil hindi na ito nakatayo sa sobrang kalasingan.

Nang arestuhin, dito na pumalag ang suspek saka ito nagsisigaw kung saan iginigiit niya na inimbitahan lamang siya ng mga kaibigan at hindi niya alam na bawal uminom sa kalsada.

Bukod sa paglabag sa city ordinance, sasampahan din ng reklamong Alarm and Scandal at Resisting Arrest ang suspek habang hindi naman na mahagilap ang sinasabi nitong mga kaibigan.

Facebook Comments