1 lalaki na sinasabing nawalan ng trabaho, naburyong umakyat sa poste ng Meralco sa Mandaluyong City

Pigil hininga ang mga residente ng Barangay Hulo, Mandaluyong City habang nakiusap ang isang negosyador na bumaba na ang isang lalaki na sinasabing nawalan umano ng trabaho at naburyong umakyat sa poste ng Meralco, mayroon ding nagsasabi na binibiro na mayroon umanong taglay na COVID-19 kayat hindi nakayanan ang mga pangungutya sa kanya.

Dumating sa lugar si Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at pinakiusapan ang lalaki na sinasabing taga Makati City na bumaba na mula sa poste ng Meralco dahil lubhang napakadelikado at sitwasyon nito sa itaas.

Nakiusap ang alkalde na tutulungan ang lalaki na maresolba ang kanyang mga problema at gagawin ang lahat upang agad na mabigyan ng trabaho sakaling yon ang dahilan ng kanyang pag-akyat sa poste ng Meralco.


Hanggang sa mga sumandaling ito ay hindi pa rin bumaba ang lalaki para malaman ang tunay na dahilan kung bakit siyay umakyat sa poste ng Meralco.

Facebook Comments