1-M doses ng Sinovac vaccine, dumating na sa Pilipinas

Karagdagang isang milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccines sa bansa, alas 7:39 kaninang umaga.

Bahagi ito ng 26 million doses ng Sinovac vaccine na binili ng gobyerno mula sa China.

Personal itong sinalubong sa NAIA Terminal 3 ni Health Secretary Francisco Duque III kasama ang ilan pang kinatawan ng National Task Force Against COVID-19.

Sa kabuuan, aabot na 32 million doses ng iba’t ibang brand ng COVID-19 vaccine ang natanggap ng Pilipinas.

Inaasahan ding darating sa bansa ngayong linggo ang nasa 415,000 doses ng Astrazaneca vaccine na donasyon naman ng UK government.

Facebook Comments