1-M halaga ng shabu nakumpiska ng PNP sa QC

Nakumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang nasa isang milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na operasyon sa Lungsod ng Quezon.

Batay sa ulat ng QCPD, unang ikinasa ang operasyon sa Brgy. Paltok, Quezon City kung saan nakuha ang 120 grams na nagkakahalaga ng Php816,000.00.

Sa operasyon nahuli ang pitong suspek na ngayon ay nahaharap na sa kaso.


Habang sa Brgy. Katipunan, Quezon City naman nakumpiska ang 15 grams ng shabu na nagkakahalaga ng Php102,000.00.

Nahuli naman ang dalawang drug suspek.

Sa ngayon nahaharap na ang mga naaresto sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments