1-M jabs kada araw, kayang maabot ngayong buwan – Galvez

Kumpiyansa ang pamahalaan na magagawa nitong makapagturok ng isang milyong COVID-19 vaccine doses kada araw simula ngayong buwan.

Sa isang pahayag, sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na iba’t ibang strategy ang gagawin nila para mapataas ang vaccination output sa buong bansa.

Kabilang dito ang pagbubukas ng mas maraming vaccination sites at pagtiyak na madadala rito ng mga local government unit (LGU) ang kanilang mga residente para mabakunahan.


Palalakasin din ng NTF ang koordinasyon sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at mga LGU na mayroong geopraphically isolated at disadvantaged areas at komunidad para mapabilis ang pagpapadala ng mga bakuna.

Bukod dito, pinaghahandaan na rin ng pamahalaan ang booster vaccination drive, kung saan unang isasalang ang mga healthcare workers.

Facebook Comments