1 Menor de Edad at 3 iba pa, Huli sa Pagpapaputok ng Baril

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng mga awtoridad ang isang binatilyo at tatlong iba pa matapos ang insidente ng pagpapaputok ng baril kahapon sa Sitio Damortis, Sampaguita, Solana, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Dennis, 34-anyos, isang magsasaka; Ronel, 26-anyos, residente ng Justine Ville Bacoor Cavite; Christian, 17-anyos at kapwa mga naninirahan sa Sitio Damortis, Brgy Sampaguita, Solana sa lalawigan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Solana Police Station, nakumpiska sa pag-iingat ng nagngangalang ‘Jay’ ang baril gaya ng (1) unit homemade 12 gauge Shotgun na may isang (1) 12 gauge live ammunition inserted with black holster; isang (1) long homemade 12 gauge Shotgun na may isang (1) 12 gauge fired cartridge case na nasa pag-iingat ng nagngangalang Ronel at isang (1) Bolo na may holster mula sa pag-iingat ni alyas Christian at isang (1) improvised Airgun mula naman sa pag-iingat ni Dennis.


Batay rin sa pagsisiyasat ng pulisya, nagpaputok ng baril ang mga suspek habang lango ang mga ito sa nakalalasing na inumin.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 ang mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Hinimok naman ng hepe ng pulisya ang publiko na makipagtulungan sa kanila para sa pagkakaroon ng sapat na impormasyon sa lahat ng uri ng krimen at mapanagot ang mga kriminal.

Facebook Comments