1 Militia ng Bayan, Sumuko sa Pamahalaan; Bala at Baril, Ipinasakamay

26

Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang isang miyembro ng Militia ng Bayan sa San Mariano, Isabela kamakalawa.

Kinilala ito na si Wilmar Bayang alyas ‘Mark/Tukak’, 34-anyos, may-asawa at residente ng Sitio Andarayan, Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela.


Sumuko si Bayang sa mga kasapi ng San Mariano Police Station, Provincial Intelligence Unit ng Isabela PPO, 201st Isabela Provincial Mobile Force Company, AFP-53DRC at 502BDE sa Sitio Lucban at Sitio Andarayan.

Ipinasakamay nito ang isang yunit ng caliber 45 na abril na may anim (6) bala, isang yunit ng vertex standard radio antenna.

Nabatid na ang naturang kagamitan ang naitago umano ng mga nagngangalang alias ‘Dylan’ at ‘Badi’ noong March 2019.

Si alyas ‘Dennis’ ang dahilan para tuluyang sumuko si Aggabao alyas ‘Mark’, miyembro ng Militiang Bayan na siyang nagresulta ng pagdiskubre sa “arm cache” na naglalaman ng labing limang (15) piraso ng blasting machine at remote control ng Improvised Explosive Device (IED) na ipinagkatiwala sa kanya ng alyas “BADI” noong taong 2018.



Ang mga nakumpiskang mga kagamitan ay nasa kustodiya ngayon ng mga operatiba para sa tamang disposisyon.


Facebook Comments