Kinumpirma ng Japanese Embassy sa Pilipinas na posibleng sa July 8 ay dumating na sa bansa ang 1 milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines.
Ang naturang mga bakuna ay magmumula mismo sa Japan.
Ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, ginagawa nila ang lahat ng paraan para hindi maantala ang pagdating ng mga bakuna.
Ang hakbangin ng pamahalaan ng Japan ay bilang pakikiisa sa herd immunity na isinusulong ng Pilipinas.
Facebook Comments