Umabot na higit isang milyon ang nag-apply para sa voters’ registration para sa May 2022 national at local polls.
Sa datos ng Commission on Elections (COMELEC) mula nitong January 14, aabot na sa 1,117,528 voter applicants.
Ang CALABARZON ang may pinakamaraming aplikante na nasa 167,709, kasunod ang Central Luzon na may 125,360 at Metro Manila na may 117,011.
Pero ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, malayo pa rin ito sa kanilang target na apat na milyong bagong botante.
Hinimok ni Guanzon ang publiko na magtungo sa local poll offices na magparehistro at sundin ang minimum health standards.
Bukas ang local Offices of the Election Officer (OEOs) mula Lunes hanggang Huwebes mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon para tumanggap ng aplikante.
Ang voters’ registration period ay magtatagal hanggang September 30.