Thursday, January 22, 2026

1 MILYON KATAO, DUMALO SA BANGUS FESTIVAL 2025 SA DAGUPAN CITY

Muling dinagsa ng mga turista at bisita na nakiisa at nakisaya sa taunang Bangus Festival 2025 sa Dagupan City.

Sa tala ng lokal na pamahalaan ng Dagupan, tinangkilik ang Bangusan Street Party na sinubaybayan ng nasa isang milyong katao mula sa parehong online at offline platforms.

Nahigitan din ang bilang ng mga inihaw na Bangus sa Kalutan ed Dalan, na mula sa 20, 000 piraso noong nakaraang taon, ngayon ay nasa 25, 000 ang sabay-sabay na inihaw ng mga nakilahok.

Samantala, matapos din ang pagdiriwang ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga LGU Officials upang pagplanuhan ang kaparehong selebrasyon para sa susunod na taon.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments