Umabot sa higit sa 1 milyong jobseekers ang nagkaroon ng trabaho ngayong trabaho sa pamamagitan ng local Public Employment Service Office (PESO).
Ito ang inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa harap ng COVID-19 pandemic.
Sa datos ng PESO, nasa 1,005,984 jobseekers ang na-hire mula Enero hanggang Setyembre.
Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, bagama’t marami ang nagkaroon ng trabaho, mababa pa rin ito kumpara sa mga nagdaang taon.
Sa datos naman ng DOLE, ang bilang ng qualified workers na nagkaroon ng trabaho noong 2018 ay nasa 2,099,613 at 2,151,034 noong 2019.
Sa ilalim ng Republic Act No. 8759, layunin ng PESO na magbigay ng venue para sa mga naghahanap ng trabaho habang nagsisilbi rin itong referral at information center para sa mga serbisyo at programa ng DOLE.