Tinatayang sasampa sa isang milyon ang kaso ng COVID-19 bago magtapos ang buwan ng Abril.
Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, inaasahang aabot sa isang milyon ang kabuoang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pero hindi ito nangangahulugang lumalala ang pandemic situation sa bansa.
Aniya, ang daily average number ng COVID-19 cases sa Metro Manila ay bumaba na nasa 4,300 cases.
Ang Metro Manila ay mayroong negative growth rate na -11%, at ang reproduction number ay bumaba sa 0.99 kasunod ng pagpapatupad ng dalawang linggong enhanced community quarantine.
Pero sinabi ni David na dapat itaas ang kapasidad ng mga ospital dahil nananatiling mataas nag kaso at maraming tao ang nangangailangan ng hospital care.
Gayumpaman, ang dalawalang linggong ECQ sa NCR plus ay makaling tulong para maibaba ang kaso bagamat malaki ang iniwang impact nito sa ekonomiya.