1 milyong mahihirap na pamilya sa Metro Manila na apektado ng ECQ, mabibigyan ng libreng grocery sa pamamagitan ng Project Damayan ng Caritas Manila

Tumulong na ang iba’t-ibang mga grupo para maibsan ang paghihirap ng mga apektadong residente sa nagpapatuloy na Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19 Pandemic.

Kabilang na dito ang Caritas Manila na namimigay ng grocery vouchers sa mga mahihirap na pamilya sa Metro Manila.

Ayon kay Fr. Anton C. Pascual, Executive Director of Caritas Manila taget nilang mabigyan ng PHP1,000 gift certificates ang aabot sa isang milyong kabahayan sa lungsod.


Tinawag nila ito bilang ‘Project Damayan’ na proyekto ng Caritas Manila katuwang ang Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) at ilang Business Community.

Ayon kay Father Pascual ito ang panahon para magkaisa ang lahat sa pagtulong sa higit na nangangailangan.

Tinatayang nasa mahigit sa 1.5 billion pesos ang halagang nalikom ng grupo na nakatakdang nang ipamigay sa mga mahihirap na residente sa pamamagitan ng PHP1,000 grocery vouchers.

Facebook Comments