1 milyong pabuya sa makakapagturo sa mga suspek sa pananambang kay dating Governor Amado Espino , hiniling

346

Hiniling sa Sangguniang Panlalawigan ang 1 milyong pabuya kung sino ang makakapagturo sa mga suspek sa pananambang kay dating Governor Amado Espino Jr. at sa mga kasamahan nito sa San Carlos City.
Sa inihain na Provincial Proposed No. 132-2019 na nagkokodena sa pagkaka ambush sa dating gobernador at kasamahan nito at pag-aatas sa PNP na madaliin ang pagreresolba sa nasabing kaso, hiniling ni Honorable Noel C Bince ng 6TH district ang 1 Milyong pabuya sa agarang makakapagturo sa mga suspek.
Suhestiyon ng Board member na si Bince, makikipag-ugnayan na muna ang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa Provincial Board at sa pamilya Espino ukol sa nasabing resolusyon.
Hiniling din sa naturang session ang pagbibigay ng financial assistance sa mga naulila Ng Driver ni Espino na si Agapito Cuison at ang security aide nito na si Police Staff Sergeant Richard Esguerra.
Inihayag naman ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang pagkokondena sa nasabing insidente.

Facebook Comments

From Advertisers